Nitong mga nagdaang araw, lagi kong naalala ang isang eksena na madalas kong nakikita noong bata ako. Napapagmasdan ko lamang iyon sa mga araw na mas nauuna akong nagigising sa mga kasama ko sa bahay. Naaalala ko, lagi akong napapatanga sa mga pagkakataong iyon. Tila ba ako ay nananaginip.
Ewan ko ba. Basta, kung marunong lang siguro akong kumuha ng larawan noong bata ako, nakunan ko na iyon ng litrato. Sa kusina ko iyon lagi nakikita. May sinag kasi ng araw na pumapasok sa aming kusina, tuwing umaga, mapapagmasdan mo nag mga alikabok na lumilipad sa sinag ng araw na iyon.
Paano ba naman kasi,tila ba nagsasayaw ang mga alikabok sa matinding sikat ng araw (Brownian motion). Naiisip ko noon na tila niyebe ang mga iyon at dahan-dahang bumabagsak sa sahig ng aming kusina. Ang kawalan ng direksyion ng bawat piraso ng alikabok ay talaga namang nakakamangha.
Kasi naman, ang mga alikabok, di nila iniisip kung saan sila tutungo. Kung anong direksyon ang kanilang pupuntahan. Kung saan sila babagsak. hindi nila kailanngang pumila o lumagay sa ayos. Malaya ang bawat butil ng alikabok. Lumilipad-lipad, paikot-ikot, at walang inaalala.
Sana nga tulad din ako ng mga alikabok na iyon.

1 comment:
pupunta din tayo dun...
Post a Comment