Paano ba naman kasi, sa dalawang taon na nagkahiwalay sila ng ex-girlfriend niya, ay hindi pa siya nakakamove-on. OK. Wala namang problema doon, kasi hindi naman talaga panahon ang sukatan para masabing naka-move on ka na sa isang previous relationship. I mean, you could take a gazzillion years and still have feelings for a particular ex (T-Rex ba ang ex mo?). Ang nakaka-iritang part ng kwento niya ay WALA siyang balak mag-move on. Ayaw niya.
Siya naman kasi ang kinalasan nung ekis nya. Seloso kasi siya masyado. Alam ninyo yung lyrics nung You Can’t Do That ng The Beatles? Ganun yung drama niya noon. Meron din kasing pumoporma pa na guy dun sa ekis niya. E nagkataon, nagkaroon ng isang pagkakataon na nakapagsolo yung isang guy na yun at yung ekis niya. Overnight yata with their friends. Di ata siya kasama. Or talagang hindi siya isinama. Di ako sigurado. Basta. Ang punto, e nasakal yung ekis, ayun kinalasan siya. Nag-uusap pa naman daw sila paminsan-minsan. Pag may okasyon, ganun. Pero di na daw talaga madalas.Ang ogags kasi, umaasa pa sa isang mala-Chinovelang twist ng kwento niya (Chinovela kasi Tsinoy yung katrabaho ko eh). Ang sabi ko naman, e bakit pa niya pinatagal ng ganito? Two years na. Two freaking years. Ang sabi niya, nung magkipagbreak daw ang ekis niya, sinubukan niyang makipag-reconcile. Ang sabi daw sa kanya, e parang kakabreak lang daw nila, tapos yun nga galit pa daw si ekis sa kanya, tapos nag-eexpect siya na magbalikan sila. Kung magbabalikan man lang daw sila, hindi sa mga oras na yun.
Natuto na naman daw siya sa mistake niya na yun. Fine. Aminado naman siya na, nagkamali siya. Pero pinanghahawakan pa rin nya yung statement nung ekis niya na kung magbabalikan man lang daw sila, hindi sa mag oras na yun. At this point naawa na ako sa kanya. At nainis. He’s pathetic.
Sa totoo lang, may bentahe itong mokong na ‘to. Natatawa nga ako, kasi nung maabutan kami ni Roomie noon sa aming one-on-one inuman, naitanong sa akin ni Roomie after kung sigurado daw ba yung kaibigan ko na yun na straight siya. Sinabi niya naman, kung nanaisin niyang magka-gf ngayon madali lang. Kaso nga, he’s still hung up sa ekis niya.
E di sabi ko, e ba’t mo pa pinatagal ng ganito? E di kausapin mo na siya ngayon din mismo para mapahiya ka na at gustuhin mo na na mag-move on.
Di siya kumibo. Ihanda ko na lang daw ang sarili ko na magulat sa pagbabalikan nila.
Pero hanggang ngayon wala pa rin akong naririning na direct move siyang ginawa para makipagbalikan. Iniisip ko tuloy na malamang natatakot siya dun sa senaryo na sinabi ko, ang mapahiya siya at kailanganin ng mag-move on dahil ayaw na ng ekis niya sa kanya. O baka nga talagang mas gusto niyang magtabi na lang ng larawan ng ekis niya sa wallet at cellphone niya. Hay naku. Ang pagiging miserable pala minsan choice din.
2 comments:
yo sup dagger deeds?
I'm inviting you to join the EARTH HOUR 2009!
just check it out! :]
http://jeszieboy.blogspot.com/2009/03/flick-that-switch-off-make-difference.html
Tama ka. Natatakot siyang malaman ang sagot sa kanyang mga kurokuro. :)
Post a Comment