Here is a poem written by Kaycee, she's a friend of mine in college. I like this poem. It has a very demanding tone. To me it's like telling your romantic partner, love me this way, because you know I am worth it. At least to me, the poem brings the aura "because you know I am worth it". Is it the same for you guys? Perhaps I just know Kaycee well, that she's gonna be worth it when she falls. Or maybe she just found the right blend of words for her poem. Basta. I like this poem. Oh, and the poem can be found here too.
Ganito Mo Ako Dapat Mahalin
by Kaycee
Kung gusto mo akong mahalin
Susuyurin mo ang aking kaluluwa
At iyong hahanapin ang tunay kong kulay
Maliban sa kahel na agad mong natatanaw
Dapat mong makita ang pula, ang asul
Ang dilaw, ang puti, at ang itim
Na mga kulay rin ng aking pagkatao
Pupunasan mo ang dungis sa aking mukha
Ng walang pag-aalinlanga't pag-aatubili
Gagamutin mo ang mga sugat kong natamo
Mula sa pagkakadapa sa madilim na kahapon
Hahawakan mo ako ng maigi't maingat
At iiwasang madapa't masugatang muli
Sasaluhin mo ang mga tubig na papatak
Mula sa mga matang naghihinagpis
Didiligan mo ng ngiti ang aking mga labi
At paliliguan ang bawat sandali ng halakhak
Hahaplusin mo ang tumigas kong puso
Hanggang sa ito'y lumambot at tumibok muli
Yayakapin mo ako ng buong-buo
Hanggang sa kayang abutin ng iyong mga bisig
Hindi simple't madali itong aking hiling
Pero ganito mo lang ako dapat mahalin.
by Kaycee
Kung gusto mo akong mahalin
Susuyurin mo ang aking kaluluwa
At iyong hahanapin ang tunay kong kulay
Maliban sa kahel na agad mong natatanaw
Dapat mong makita ang pula, ang asul
Ang dilaw, ang puti, at ang itim
Na mga kulay rin ng aking pagkatao
Pupunasan mo ang dungis sa aking mukha
Ng walang pag-aalinlanga't pag-aatubili
Gagamutin mo ang mga sugat kong natamo
Mula sa pagkakadapa sa madilim na kahapon
Hahawakan mo ako ng maigi't maingat
At iiwasang madapa't masugatang muli
Sasaluhin mo ang mga tubig na papatak
Mula sa mga matang naghihinagpis
Didiligan mo ng ngiti ang aking mga labi
At paliliguan ang bawat sandali ng halakhak
Hahaplusin mo ang tumigas kong puso
Hanggang sa ito'y lumambot at tumibok muli
Yayakapin mo ako ng buong-buo
Hanggang sa kayang abutin ng iyong mga bisig
Hindi simple't madali itong aking hiling
Pero ganito mo lang ako dapat mahalin.
No comments:
Post a Comment