Tapos ko na basahin ang book ni Ricky Lee. (Actually, matagal ko nang tapos basahin ito). Ayun. Okay lang. Parang may part lang talaga na korny. Basta. Pakiramdam ko, na-desperado na si Ricky Lee kung paano nya pupunuuin ng mga salita yung mga pahinang yun kaya korny lumabas. Ayos naman yung book. Okay naman yung philosophies nito. At talagang sinunod nya yung premise, isa lang talaga ang masaya out of five. Pero parang mali yung statistics. I mean, twenty percent ang masaya? As in yung totoong masaya ah, hindi yung relatively masaya lang. Pakiramdam ko mas mababa pa dun. Siguro maximum na ang ten percent.
Anyway, basta lamang pa rin ang mga miserable. Yun naman talaga yung point nung book eh. Ipaalam sa ating lahat ang alam na natin talaga--- na mahirap magmahal. Na kakayod ka talaga. Mag-eefort. You should be working your ass off. Pero pag tama ang timpla mo (Pop Cola?), maswerte ka. Yun nga lang, statistically speaking e madalas mali timpla natin sa pag-ibig (Daw. I doubt naman kung me statistical study talaga that proves nga na 4 out of 5 ang devastated sa pag-ibig.).
May kaibigan ako, sabi nya gusto nya inaalagaan siya sa isang relasyon. Siya lang daw mag-aalaga kung mahal niya talaga yung tao. Ang gago, ano? Kaya lang, ganun talaga e. He wasn’t really into any of his ex-girls. So yung past relationships niya eh, miserable yung mga ekis nya, hindi lang dahil sa hindi nagpipigil yung kaibigan ko while they are having sex (iniisip ko kung nag-orgasm ba yung mga ekis nya, eh sabi mismo ng kaibigan ko, “seconds” lang daw e tapos na siya agad), kundi dahil sa parang tanga sila na “minahal” yung kaibigan ko (na, inamin naman nya sa kin, sina-satiate niya lang naman yung libido niya). Syempre, yung kaibigan ko rin, pathetic. He’s looking for love but settling for something less. Ouch. Ouch lang talaga. Oh, well.
May kaibigan naman akong feeling ko masyadong hopeless romantic. Masyadong hung-up sa “crush” nya dati. At mataas ang panlasa sa guys (pero yung crush nya, it does not fit her type). Kaya lang, gusto ko sabihin sa kanya, na sa real world na ginagalawan natin pare-pareho, uber-good looking guys (actually, lahat ng guys) would go after girls with very, very attractive and alluring physique. Either mag make-over muna sya or alisin nya ang manang within her. Sabi nga sa forwarded text message sa akin noon, talo daw ang mga magagandang babae sa malanding babae. I don’t know, Maybe my friend just needs to let her hair down a little bit. A little lang ah, I’m not saying she should be a slut.
Siguro nga, masyado nang ideal yung ideal na pag-ibig, parang alamat na lang yun. Ewan. Kasi kahit naman si Ricky Lee siguro, hindi naman eksperto sa pag-ibig. Yung mga Love experts? Ewan. Eksperto siguro sa kompromiso. I think real love is beyond us, so we are lucky if we felt it. What do I know, really? I ain’t an expert myself. I’m just talking my ass off.
1 comment:
Natapos ko na rin sya. hehe. tama ka, may mga parts na sobrang cheesy. Parang pinlit, parang minadali, ewan ko desperado lang siguro talaga. The same feeling nung binasa ko yung ibang parts ng Alamat ng Gubat ni Bob Ong.
Siguro Pauso lang nya ung 4 out 5 stats.
Enweis, naniniwala naman ako na bawat love story unique. kasi wala namang magkakaparehong tao. Bawat isa magkakaiba. Kaya malamang iba rin ang atake nila pagdating sa pag-ibig. Iba-iba ang pagbuo ng pagmamahal. :)
Post a Comment