Tuesday, June 16, 2009

Charmander

Naabutan ko ang ate ko na inaayos ang mga lumang damit and stuffs na ipapamigay na daw nila sa mga kapit-bahay na mas nangangailangan nun. Ang dami kasi nilang damit na luma eh. At saka, lumalaki na rin ang mga pamangkin ko. So, hayun, inayos niya.

Pati mga lumang laruan ipapamigay na rin nila. Yung isang pamangkin ko kasi na Grade 3 na ngayong pasukan, ipapamigay na ang Charmander stuff toy niya. Palibhasa, Mr. Bean na ang kinahuhumalingan, kaya naman si Teddy na ang bagong stuff toy na madalas niya kasama.

In-inspeksyon ko si Charmander. Okay pa naman. Kung papipiliin ako sa mga Pokemon, base sa cute-ness, si JiggyPuff ang pipiliin ko. Pero kung coolness ang basehan, sa Psyduck, alang duda. (Alam ko, di na nakakarelate ang mga hindi naman nakapanood ng Pokemon.)

Pero dahil sa na-cute-an ako sa Charmander stuf toy, ah, napagdsisyunan ko na hingin na lang yun. Hehehe, oo. Kung kelan namang bente-singko na ako, tsaka ko nagmay-ari ng stuff toy.

So hayun. Inuwi ko si Charmander sa aking inuupahang espasyo malapit sa trabaho. Natatawa ko, kasi ang sabi ni Roomie, nakakatakot daw si Charmander. Siguro kasi may pangil. At taga Digimon daw yun. Sabi ko, hindi ah. Sa Pokemon yan.

At nung nilagnat ako, naisip ni Roomie na baka daw na-nuno ako dun kay Charmander. Nakakatawa lang.

Pero sa totoo lang, kaya ko kinuha si Charmander ay dahil sa naaalala ko ang mga pamangkin ko. It reminds me of being innocent. Of being care-free. It reminds me of home.

Mas astig pa rin sana kung si Psyduck na lang ang nagustuhan ng pamangkin ko noon.

**********


Kasalukuyan kong binabasa ang book ni Ricky Lee. Hmm... Nakaka-dalawang kwento pa lang ako. Parang di ko gusto ang theory nya, na apat sa lima ang devastated dahil sa pag-ibig. But... that’s reality kung tutuusin. Oh well. Tapusin ko muna yung book.

May question nga pala ako sa karamihan, o sa kahit sinong (sana) magbigay pansin: would you date a disabled person? Kakayanin mo bang ma-in love sa isang taong may kapansanan? Hmm... kasi yung One Liter of Tears, eh. Kung anu-ano tuloy tanong pumapasok sa isip ko. (Defensive mode: Hindi ako nanonood ng OLoT, kundi ang nanay ko.)

Note: Parang naparami ang pics ng entry na ito. Haay...

2 comments:

ACRYLIQUE said...

Nuno pala si charamander. :)

Para sa akin. ok naman ang Para kay B. magaling talaga sya magsulat. :)

Maganda rin naman ang one litre of tears. bago pa sya ipinalabas sa gma. napanuod ko na dati sa crunchyroll. haha

wanderingcommuter said...

waaaahhh gusto ko din si charmander!!!

nakulangan ako sa libro, let me know your opinion ha