Sa init ng kumot ay namamalagi
Habang naghihintay sa yakap mong mithi
Kumot aking hawak pagtulog sa gabi
Kumot ang kasama sa bawat paghikbi
Kumot sa katawan laging nakabalot
At pinapangarap, mahigpit mong yapos
Habang iniisip sabay sa pagtulog
Darating ka ba’t aalisin ang kumot?
Habang naghihintay sa yakap mong mithi
Kumot aking hawak pagtulog sa gabi
Kumot ang kasama sa bawat paghikbi
Kumot sa katawan laging nakabalot
At pinapangarap, mahigpit mong yapos
Habang iniisip sabay sa pagtulog
Darating ka ba’t aalisin ang kumot?

Ikaw ba’y kasama sa mga pangarap?
Ating liliparin, mga alapaap?
Ikaw ba’y karamay sa lahat ng hirap?
O hayaang kumot lang ang tangan ko’t yakap?
Tanging hangad lamang ikaw ay makita
Mabatid na nar’yan ka’t laging kasama
Ngunit panaginip, heto’t patapos na
Namulat ako paggising sa umaga
At tanging kumot lang ang aking nakita...
Hindi ka pala dumating.
Ating liliparin, mga alapaap?
Ikaw ba’y karamay sa lahat ng hirap?
O hayaang kumot lang ang tangan ko’t yakap?
Tanging hangad lamang ikaw ay makita
Mabatid na nar’yan ka’t laging kasama
Ngunit panaginip, heto’t patapos na
Namulat ako paggising sa umaga
At tanging kumot lang ang aking nakita...
Hindi ka pala dumating.
2 comments:
Balang araw babalik din ang kumot at unan ko. :(
Hehehe... Malungkot talaga pag iniwan ka ng kumot at unan mo...
Post a Comment